Jaydee ang pangalan. Katorse anyos. May nagmamahal na pamilya at mga kaibigan at mahal ko rin sila. Marami akong talents. Mahal na mahal ko ang Diyos at siya ang unang-una sa buhay ko. Sa pagiging ganito ang estado ko sa buhay, kailangang maging magandang halimbawa sa iba at iinspire ang bawat isa na, meron talagang PAG-ASA. :)

Themed by coryjohnny & Tweaked by Vernie Valentos

Bestfriend ko to at napaka-kalog na tao na ‘to. Nako, kapag magkasama kame nyan, Hindi mo na kame hihiwalayan. Napaka-hyper din nito katulad ko. At, isip bata rin katulad ko. Totally, hindi dapat ako sasama. Eh, di ko natiis e. Manglilibre daw siya! Ano pa gagawin ko? Leggo!

Prensssss. Prei, Gege, Me, Anthony, Jess (from left to right)

Then, tumingin muna kame sa mga movies. And, nagdebate-debate muna. Tapos, napili namin, Segunda Mano. Eh, gusto ko sana, Enteng. Eh, ako lang magisa? Wag nalang. So, nag-Mang Inasal muna kame. Matagal pa naman ang time ng airing.

At, dahil sa kaboredan, Nag-experimento si Anthony. I present you, The Amazing Chef!

Sabaw+Scramble+Toyo+Vinegar. Ano pa hinihintay nyo? DIG IN. Chos~ HAHAHAHAHA. Nakakahiya sa mga crew. Tas, lumabas na kame. Then, nagtaguan kame sa Department Store. At, nakita ang dati naming teacher. Si Mam Abac. So, nakipagchismisan muna kame. Then, pumunta na sa sinehan.

Kame na ata ang pinakamaingay at tawa ng tawa kapag may mga nakakagulat na scenes. Pero, unpredictable at andaming twists dito. Ang galing nung writer. Tapos, first time ko rin hindi nakornihan sa Pinoy Horror films.